VAWC campaign, ilulunsad sa Sorsogon

Ilulunsad sa lalawigan ng Sorsogon ang kampanya laban sa mga pang aabuso sa mga kababaihan at mga kabataan o Violence Against Wpmen and their Children (VAWC).

Ayon sa Provincial LGU, magkakaroon ng malawakang aktibidad ngayong darating na ika-25 ng Nobyembre sa Provincial Capitol park upang ipakita at mas mapalakas ang mga hakbang ng gobyerno laban sa pang- aabuso sa mga kababaihan at mga kabataan. 

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Nanawagan rin sila sa mga GAD advocates at ilan pang mga grupo at inidibidwal na nag susulong sa mga karapatan ng mga kababaihan at mga kabataan na ipakita at iparinig ang kanilang suporta sa nasabing kampanya.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Ang United for VAWC-FREE PH o ang campaign to end violence against women and children ay bahagi ng pagpapaigting ng mga batas tulad ng Republic Act 9262 o ang batas na nag puprotekta sa mga kababaihan at mga kabataan na nakararanas ng mga pang- aabuso physical, mental, financial at emotional na aspeto.