VAT taxpayer’s pinaalalahanan ng BIR sa deadline ng pagsusumite ng return

CAMARINES NORTE- Pinaalalahanan ng Bureau of Internal Revenue ang mga vat registered taxpayers sa deadline ng pagsusumite ng return.

Ayon kay Revenue District Officer Felix Roy sa April 25 na ang deadline pero mas makabubuti kung maghahain ng mas maaga.

Ginawa ang paalala dahil sa pagbabago ng filing frequency na mula sa dating monthly ay quarterly na simula ngayong tan.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Mababatid na ginawa ng BIR ang VAT return simplification alinsunod sa Revenue Memorandum Circular No.5 of 2023.

Ayon dito hindi na obligado ang taxpayer na mag-file ng monthly vat return form.

Read More:  Indigenous farmer saves Philippine Eagle from 30 monkeys in Bukidnon

Alinsunod naman ito sa Republic Act No. 10963 o TRAIN law kung saan nagkaroon ng pag amyenda sa ilang probisyon ng tax code.

Dahil sa naturang probisyon ng batas, ang VAT-registered taxpayers ay magpa-file ng kanilang corresponding Quarterly Value-Added Tax Return sa loob ng 25 araw kasunod ng pagtatapos ng bawat taxable quarter.