Utang ng Pilipinas, mas lumobo pa raw noong pagtatapos ng Abril

Muling lumobo ang utang ng pamahalaan sa pagtatapos ng buwan ng Abril ngayon taon.

Ayon sa Bureau of the Treasury (BTr), ang bagong record-high na utang ay dahil sa paghina ng piso na siyang nagpapataas sa local currency na katumbas ng foreign obligations.

Read More:  Lawmaker urges House action on school safety bill after Zamboanga shooting

Sumampa na sa P13.911-T ang outstanding debt ng Pilipinas, na 0.4% o P52.24-B na mas mataas mula sa P13.856-T noong buwan ng Marso.

Read More:  Shooting at Ateneo de Zamboanga University leaves two dead

Iniuugnay ng BTr ang mas lumalang utang ng pamahalaan sa net issuance ng external debt at local currency depreciation laban kontra US dollar. //SM, edited MHEL PACIA