Nasangkot umano sa isang pagtatalo ang mga R&B stars na sina Usher at Chris Brown sa Las Vegas noong Sabado ng gabi.
Maraming mga media outlets sa US ang nag-ulat na nagdugo ang ilong ni Usher at nabugbog sa kanyang tadyang.
![](https://i0.wp.com/brigadanews.ph/wp-content/uploads/2023/05/image-12-1024x937-10.png?resize=1024%2C937&ssl=1)
Noong Sabado, nag-upload ng isang video ang american media outlet na TMZ na nagpakita ng pakikipagtalo ni Brown kay Usher.
Iniulat na nilapitan ni Brown ang singer-actress na si Teyana Taylor at nagalit nang hindi siya nito pinansin.
Si Brown, na nagdiriwang ng kanyang ika-34 na kaarawan noong Biyernes ay gustong paalisin si Taylor sa party.
Ngunit namagitan si Usher at dito na umano nagsimula ng pagtatalo.
Si Usher at Brown ay matagal nang magkaibigan.//CA