US nasa maling direksiyon matapos magkaroon ng COVID-19 surge – Expert

Nagbabala ang isang top health expert ng America na posibleng nasa maling direksyon ang kanilang bansa sa pagtugon sa COVID-19 pandemic kaya nagkakaroon ng surge sa mga hindi pa nababakunahan.

Sinabi ni Dr. Anthony Fauci na ang Delta variant ang dahilan ng spike ng infections sa mga low vaccination rate na lugar.

Ayon kay Fauci, ang COVID-19 situation sa America ay nagiging pandemic sa mga hindi pa nababakunahan.

Nakasaad sa official data ng US na nasa 162.7 million ng populasuon ng America ang fully vaccinated na.

Matatandaan na ang America ang nangunguna sa jab hanggang noong Abril dahil sa unti-unti ntiong drop off.

Napag-alaman na mababa ang vaccination rate sa southern states kung saan mas mababa sa kalahati ng populasyon ang nakakuha ng unang vaccine dose pa lamang.