Nakatakdang magpada ang US Air Force ng mahigit dalawampung F-22 stealth fighters para sa isang exercise sa western Pacific ngayong buwan.
Ayon sa ilang analysts, hindi karaniwang ginagawa ng US Air Force ang pagdedeploy ng powerful jets kaya malinaw anilang mensahe ito sa China. Inihayag ng Pacific Air Forces sa Hawaii na ngayong linggo ay nagpadala sila ng 25 F-22s Raptors mula sa Hawaii Air National Guard at mula sa Joint Base Elmendorf-Richardson, Alaska ay idi-deploy naman ngayong buwan sa Guam at Tinian islands for Operation Pacific Iron 2021.
Sinabi ni Carl Schuster na isang Hawaiian -based defense analyst at dating director of operations sa US Pacific Command Joint Intelligence Center na ipinapakita ng Pacific Air Force na maaari silang mag-deploy ng fifth-generation aircraft kahit sa biglaang abiso kumpara sa kaya ng China.
Sa kabila nito, aminado si Schuster na mabilis ang pag-improve ng kakayanan ng Beijing.
Napag-alaman na dahil sa kapasidad na ma-evade ang radar detection, inaasahan nang gagamitin ang F-22 bilang paunang armas sa anumang giyera.