(UPDATE) Mahigit 10 kataong sakay ng lumubog na bangka sa Pioduran, Albay nasa ligtas nang kalagayan

LEGAZPI CITY—Nasa ligtas nang kalagayan ang mahigit sampong kataong sakay ng lumubog na bangka sa karagatang sakop ng Pio Duran, Albay kaninang umaga.

Sa impormasyon na pinaabot ni Pioduran MDRRMO Head Noel Ordoña, ang nasabing sasakyang pandagat na may markang “Island Breeze” ay biyaheng Claveria, Masbate.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Umalis umano ito kaninang alas 8 ng umaga matapos na maantala kahapon dahil sa sama ng panahon.

Hindi rin umano nila inaasahan na lulubog ito sa nasabing karagatan dahil sa lakas ng alon.

Bago ang insidente ay nakuhanan pa ng video ang nasabing bangka kahapon habang naka-angkla sa Pio Duran port.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Mababatid na una nang naglabas ng gale warning advisory ang Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) kahapon kung saan pinagbawalang bumyahe ang maliliit na sasakyang pandagat dahil sa epekto ng habagat.#  || with reports from BNFM Legazpi