Inanunsyo ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na posibleng i-require sa unvaccinated employees ang pagsasailalim sa RT-PCR tests kada dalawang linggo.
Sinabi ni Concepcion na base sa bagong mga patakaran ng gobyerno ay ang mga empelyado na mismo ang sasagot sa mga sarili nitong RT-PCR tests.
Inihayag ng presidential adviser na tinatayang nasa P50,000 hanggang P60,000 ang babayaran ng isang empleyado para sa RT-PCR tests kada taon.
Ipinunto ni Concepcion na natanggap niya ang nasabing guidelines mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) nitong Miyerkules, ngunit maglalabas pa ang Department of Labor and Employment ng buong bersyon ng guidelines sa susunod na linggo.
