UNIFAST, naghihintay pa ng kumpirmasyon kung muling magkakaroon ng mga bagong benepisyaryo

Inihayag ng Unified Financial Assistance System (UNIFAST) Bicol na sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon sa kanila at naghihintay kung magkakaroon ng mga bagong benepisyaryo para sa tertiary education subsidy makalipas ang halos dalawang taon.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Fauziah Rey, UNIFAST regional coordinator, sinabi nitong habang hinihintay nila ang memorandum mula sa central office ay ipinagpapatuloy pa rin nila ang pagbibigay ng mga benepisyo sa 17,000 na mga benepisyaryo nito.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Aniya, hinihintay nila kung mayroong mga bagong grantees ng nasabing subsidy upang madagdagan ang kanilang mga benepisyaryo. Dalawang taon din umanong hindi nagbukas ng aplikasyon para sa mga bagong grantees mula 2021-2022 dahil hindi nadagdagan ang budet para sa nasabing programa.