Asahan na ang mas mataas na presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ngayong Nobyembre.
Base sa abiso ng Petron Corp. madadagdagan ng P0.45 ang presyo ng kada kilo ng household LPG.
Nangangahulugan na P4.95 ang madadagdag sa presyo ng tipikal na 11 kilogram LPG tank.
Hindi pa nag-aanunsyo ang ibang kompanya ng LPG price adjustment para sa Nobyembre.
