Unang kaso ng Pilipinong namatay dahil sa vape – kinumpirma ng DOH

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang kauna-uanhang dokumentadong kasong pagkamatay nang dahil sa vape.

Iniulat ni DOH spokesperson Asec. Albert Domingo ang pagkamatay ng isang 22-anyos na Pilipinong lalaki mula sa Laguna nang dahil sa heart attack.

Isa itong pinaniniwalaang kaso ng EVALI, ‘o ‘yung e-cigarette or vape-associated lung injury.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Nalamang wala siyang ibang ano mang risk factors, maliban lamang sa araw-araw niyang pagbe-vape sa loob ng nakalipas na dalang taon.

Sa datos – mayroon nang anim na kaso ng EVALI sa bansa.

Read More:  Defense may call Zuleika Lopez as witness in VP Sara trial

Ang isa rito ay isang 16-anyos na ‘dual smoker’ mula sa Central Visayas, at isa pang 22 anyos din mula Alabang na dating naninigarilyo, pero lumipat sa pagbe-vape.

Inanunsyo ng DOH ang mga EVALI cases at isang fatality kasabay ng paggunita ng World No Tobacco Day.
#