Unang gabi ng concert ni Bruno Mars sa PH, dinaluhan ng libo-libong supporters

DINALUHAN ng libo-libong Pilipino supporter ang First Night Concert ng American Singer na si Bruno Mars sa Philippine Arena sa Bulacan.

Bago pa magsimula ang concert halos puno na ang buong crowd ng mga Pilipino supporters na bumiyahe pa nang malayo para mapanood mag-perform ang American Singer.

Habang nag pe-perform ang singer, dumadagundong naman ang hiyawan, sayawan at kantahan sa loob ng Philippine Arena.

Lalo pa nito pinabilib ang mga manonood ng dahil sa mga hirit niyang tagalog words.

Matatandaan na taong 2018 pa ang huling concert ni Bruno Mars sa bansa na ginanap sa Mall of Asia Arena, kaya ganun na lamang ang pananabik ng mga supporter na muli siyang makita.

Hindi naman binigo ng isa sa mga itinuturing na Most Talented Performer na si Bruno Mars ang mga Pilipino, at laging memorable kung mag concert sa bansa.### JONADEL GALLEGO, Intern