Unang Catch-up Friday sa mga public schools, naging matagumpay – DepEd

Ibinahagi ng Department of Education (DepEd) na naging matagumpay ang unang Catch-up Friday sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Ayon sa Curriculum and Teaching Strand (CTS) ng DepEd, nakatuon ang unang Catch-up Friday sa Drop Everything And Read (DEAR) na siyang mismong focus para sa buwan ng Enero.

Read More:  Marcos says heavy rain and climate change worsened Central Luzon flooding

Dahil sa resultang ito, hinihikayat din ng ahensya ang mga pribadong paaralan na magpatupad na rin ng Catch-up Fridays na naglalayong magbigay ng oportunidad na mapabuti ng mga learners ang kanilang academic performance.

Samantala, nilinaw ng DepEd na ang mga ginagawang aktibidad para sa naturang hakbang ay hindi graded o kasama sa grado ng mga mag-aaral.

Read More:  Davao Region outpaces national economic growth at 5.1%

Mababatid na noong nakaraang taon, sinabi ni VP Sara Duterte na susubukan ng bansa ang Catch-up Fridays upang mahabol ng education sector ang kailangang matutunan ng mga bata.