Unang 1000 days ng bata, napakahalaga- City Nutrition Action

Napakahalaga umano ng unang isang libong araw ng mga bata o sanggol, ayon sa City Nutrition Action.

Sa panayam ng Brigada kay RND Nutritionist Mary Pearl Rodriguez, sa panahong ito nade-develop ang pisikal at mental na siyang pinaka- kritikal para sa isang sanggol.

Read More:  Lightning strike hits divers’ pumpboat near Nogas Island in Antique

Mahalagang aniya na maging responsable ang isang ina sa pag-aalaga sa sarili habang nagbubuntis.

Ipinapayo rin nito na magpa- prenatal sa mga barangay health center na minimum ng apat na beses sa loob ng siyam na pagdadalang tao.

Read More:  Student dies after lightning strike during hike at Mt. Sayao in Biliran

Libre o walang babayaran ang serbisyo na ito maliban pa sa mga bitamina.

Samantala, mahalaga rin aniya ang Immunization o pagbabakuna sa mga bata at ang regular na pagkonsulta sa mga Barangay Nutrition Scholar ng ina para mabantayan ang wastong timbang ng mga bata.