UN, kinondena ang umanoy ‘senseless war’ sa Ukraine

Kinondena ni United Nations (UN) Human Rights High Commissioner Michelle Bachelet ang umanoy ‘senseless war’ o walang kabuluhang digmaan sa Ukraine.

Hinimok niya ang pamunuan ng Russia na itigil na ito dahil marami ng sibilyan doon ang nadadamay sa naturang giyera.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Ayon kay Bachelet, hindi umano sumusunod ang nasabing bansa sa international humanitarian law kung saan marami na ang namatay at pinsalang naidulot ng kaguluhan sa Ukraine.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Samantala, base sa report nitong July 3, nasa 10,000 na ang namatay at nasugatan kabilang ang nasa 335 na mga kabataan. (ARGIE ERGINA)