Kinondena ng United Nations (UN) ang pag-atake ng Russia gamit ang missile sa Ukraine na ikinamatay ng 7 tao at 144 ang sugatan.
Naganap ang pagsalakay ng Moscow umaga ng Sabado, Agosto 19 habang may banal na misa sa lungsod ng Chernihiv [CHU-NE-HEB] para gunitain ang Transfiguration of the Lord.
Ayon kay Ukraine Humanitarian Coordinator Denise Brown, isa itong karumal-dumal na pag-atake sa isang malaking siyudad lalo na’t maraming tao ang naglalakad papuntang simbahan.
Giit ni Brown, mahigpit na ipinagbabawal ang pagsalakay ng Russia sa mga sibilyan dahil isa itong paglabag sa humanitarian law.
