NAGA CITY- Isa nang ganap na Tropical Depression ang binabantayang LPA sa Hinatuan , Surigao del Sur at pinangalanan ito ng PAGASA na Bagyong Aghon; ang unang bagyo ngayong taon.
Makararanas ng maulap hanggang sa kalat-kalat na pag-uulan ang Bicol Region dulot ng Tropical Depression “Aghon” ngayong weekends. Hindi inaalis ng PAGASA ang landfall scenario sa bahagi ng bansa. Sa forecast inaasahang lalapit ito o maglalandfall sa bisinidad ng Eastern Samar.
Ayon kay Bendedict Almario, Municipal Agriculture Officer ng Ragay, kung mananatili sa karagatan ang sama ng panahon malaking bagay ang ulan para sa mga magsasaka. Marami kaseng hindi pa nakakapagtanim dahil walang tubig ang sakahan. Isang daang mga magsasaka ang naapektuhan ng El Niño Phenomenon sa naturang bayan.
Gayunpaman, sana aniya ay hindi masyadong lumakas ang Bagyo dahil maapektuhan ang ekta-ektaryang niyugan, nasa low lying area naman ang mga high valued crops o mga gulay tulad ng kalabasa, ampalaya at marami pang iba na delikado naman sa baha.