Ulang dala ng LPA at Habagat, hindi sapat para maging normal ang water level sa mga dams

Kulang pa rin ang ibubuhos na ulan ng namataang Low Pressure Area (LPA) at mga pag-ulan dulot ng Habagat para maibalik sa normal ang tubig sa mga dam na nagsusupply sa Metro Manila.

Sa panayam ng Brigada NewsFM kay PAGASA, Weather Forecaster Ana Clauren, sinabi niyang bagamat isa sa mga scenario na tinitinginan nila sa ngayon ay ang direktang pagdaan ng LPA sa bahagi ng Central Luzon – hindi pa rin ito sapat para maging normal ang water level sa Angat Dam.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Sa ngayon, inaaral pa raw nila ang posibleng maitutulong ng ilan pang mga susunod na bagyo hanggang sa pagtatapos ng buwan.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Ayon pa sa PAGASA, ang nasasanasang pag-ualan sa kalakhang Maynila ay hindi darektang dala ng LPA na huling namataan kaninang alas-kuwatro ng umaga sa layong 510-kilometer East North East ng Virac, Catanduanes.

Samantala, ang LPA ay kasalukuyang nasa karagatan pa kung kaya hindi inaalis ang posibilidad na maging bagyo sa mga susunod na araw.