Kasabay ng pasasalamat sa Armed Forces of Ukraine, negotiating team, International Committee of the Red Cross at maging sa United Nations, sinabi ni Ukraine President Volodymyr Zelensky na mahalaga sa kanya na manatiling buhay ang kanilang mga sundalo.

Ang pahayag ni Zelensky ay kasunod ng paglilikas sa kanilang mga tropa sa steel works sa Mariupol city.
Kinumpirma ng Presidente na marami sa mga ito ay matinding nasugatan at nilalapatan na ng medical aid.
Binigyang diin pa ni Zelensky mananatili ang prinsipyo nila na mas mahalaga ang buhay ng kanilang mga bayani.
Dagdag pa ni Zelensky na i-uuwi nila sa kanilang mga pamilya ang mga sugatan habang mananatili naman ang pagtatanggol ng kanilang mga sundalo sa kanilang bansa.