UK posibleng hindi irekomenda ang pagbabakuna sa lahat ng kabataan

Posibleng hindi irekomenda ng United Kingdom Vaccine experts ang pagbabakuna sa lahat kabataan na nasa edad 12 hanggang 17.

Nakatakdang maglabas ng official statement ang Joint Committee on Vaccination and Immunization sa mga susunod na araw.

Dito gagawa ng pinal na desisyon ang UK government kung isasama o hindi ang mga kabataan sa mass rollout.

Read More:  Malacañang distances itself from US campaign against ICC

Pinakahuling advice ng JCVI ang pagbabakuna sa mga nasa edad 16 hanggang 18 taong gulang gamit ang Pfizer vaccine kapag nasa priority group ang mga ito o yung mga mahihina ang immune system at may comorbidities.

Read More:  US launches campaign to dismantle ICC

Pinag-aaralan pa ngayon ng mga expert ang mga posibleng benepisyo at peligro ng bakuna sa mga kabataan.

Una nang inihayag ng UK na target nilang mabakunahan ang mga 18 anyos para sa kanilang unang dose habang two-thirds naman ng mga adults ang target na mabakunahan ng kanilang second dose hanggang July 19.