Ugnayan ng kapulisan sa komunidad at lgus, papalakasin – PNP CHIEF GUILLERMO ELEAZAR

Pagpapalakas ng ugnayan ng kapulisan sa komunidad at iba’t-ibang lokal na pamahalaan ang nais bigyan pansin ni PNP Chief PGen. Guilllermo Lorenzo Eleazar.

Ito ang kanyang naging pahayag sa pagbisita sa Lambak ng Cagayan kung saan kinamusta niya ang kalagayan ng kapulisan at pinasalamatan ang mga lokal na pamahalaan na lubos na sumusoporta sa kanilang hanay.

Sinalubong ito ng mga opisyales ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Rodito Albano III kasama si Regional Director PBGen. Crizaldo Nieves, Provincial Director PCOL. James Cipriano at iba pang Local Chief Executives. 

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Isa rin sa layunin ng kanyang pagbisita ay ang patuloy na pag-implenta ng mga kapulisan sa kanilang mga programa, aktibidad, at serbisyo sa gitna ng pandemya.

Sa ekslusibong panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PNP Chief PGen. Guillermo Lorenzo Eleazar, kinakailangan umanong palakasin ang pakikipag-ugnayan ng kapulisan sa komunidad sa pamamagitan ng mga pulis sa barangay at pakikipagtulungan sa mga LGUs.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Aniya, ito ay maliit na paraan upang manumbalik ang tiwala ng mga mamamayan at malaman na may pulis pa rin handang tumulong sa kabila ng mga isyung dawit ang mga ilang kapulisan sa krimen.

Naniniwala naman si PGen. Eleazar na kayang ibalik ng kapulisan ang tiwala ng tao kung sisimulan ang tapat at maayos na serbisyo sa bayan.