UFO, nakuhanan umano sa Canada

Nakuhanan ng video ang mga kahinahinalang ilaw na di umano’y mga UFO sa may itaas ng Winnipeg River sa Canada.

Ayon sa uploader na si Justin Stevenson, nagmamaneho siya kasama ang asawa sa may Fort Alexander ng makita nila ang misteryosong orbs na may dilaw na ilaw na kasing liwanag ng araw.

Sinabi pa ni Stevenson, hindi siya naniniwala sa mga UFO noon pero ng masaksihan ang kakaibang liwanag naging kumpyansa siya na may buhay sa ibang planeta.

Mabilis kumalat ang video sa social media at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens ang ilan tinawag itong strange anomaly at ang iba naman ay naniniwalang isa itong UFO.

May ilang nagsabi na isa lamang itong “swamp gas” mula sa isang “weather balloon” na natrap sa isang “thermal poocket”.

Umabot na sa lagpas 70 UFO SIGHTINGS ang naiulat sa Canada noong nakaraang taon. (BRIGADA NEWS INTERN KHEN ALIX)