TWICE, may Japan comeback!

Disband? o Contract Renewal?

Ito ang gumugulo ngayon sa isipan ng mga ‘ONCE’ matapos ang mga senyales na ipinahihiwatig ng KPop group na TWICE.

Nakatakda na kasing mag-expire ang seven-year contract ng TWICE sa JYP Entertainment.

Sabay-sabay din silang nagbukas ng kanilang mga individual Instagram accounts. Maliban pa diyan ang nakatakdang solo debut album ng kanilang center na si Im Nayeon.

Pero para sa mga ONCE at KPop fans, nag-announce na ang JYP Entertainment ng schedule para sa kanilang artist roster ngayong taon!

Ayon sa official release ng JPYe, hitik pa rin sa schedule ang TWICE hanggang matapos ang 2022.

Sa katunayan, posible ang pagre-release nito ng Japan Album sa July!

Nagkaroon pa ito kamakalawa ng guest appearance sa isang US television show kung saan kinanta nila ang kanilang all-english song na ‘The Feels’.

Maliban sa TWICE, good news naman sa mga ‘NSWER’ o ang fans ng newly-debuted group na NMIXX dahil naka-schedule na rin ang comeback nito sa second-half ng taon.

Sa mga ‘MIDZYs’ o fans ng grupong ITZY, mayroon din silang nakatakdang tour ngayong taon.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *