Tulong pinansyal ibinigay ng DSWD sa mga mangingisdang biktima ng pagsabog ng makina ng fishing boat

Nag-abot ng tulong pinansyal ang Department of Social Welfare and Development Region 3 sa mga mangingisdang biktima ng engine explosion ng fishing boat sa Bajo de Masinloc kamakailan.

Nagbigay ang Kagawaran ng 10,000 sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) para sa walong apektado ng insidente.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Mag-aabot din ng mga Family Food Packs para sa mga pamilya ng mga apektadong indibidwal.

Nito namang Myerkules ay kinausap ni Subic Mayor Jon Khonghun ang anim na mangingisda, operator ng bangka, at mga kapamilya ng dalawang mangingisda na pawang mga residente ng Barangay Calapandayan, Calapacuan, at Matain.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Nangako ang LGU ng tulong sa pagpapagamot sa mga mangingisda na nasa hospital, financial assistance at pagpapaayos ng kanilang bangka.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: DSWD