Tulfo, isinusulong ang pagkakaroon ng one-strike policy vs abusadong employers

Iminumungkahi ni Senator Raffy Tulfo ang pagkakaroon ng one-strike policy laban sa mga abusadong employers na hindi tumatalima sa minimum wage law ng bansa, at hindi nagbibigay ng benepisyo para sa kanilang workers.

Ito ang binigyang diin ni Tulfo, vice chairman ng Senate labor committee, sa ginawang pagdinig ng Senate Committee on Labor, kung saan hiniling nito na agad mapatawan ng penalidad ang mga employers at obligahin na magbayad sakaling magpresenta ang isang worker ng malakas na ebidensya laban sa kanila.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Binigyang diin nito na ang kasalukuyang labor law ng bansa ay lumalabas na walang ngipin dahil ang mga non-compliant employers ay hindi natatakot bunsod ng kakulangan ng implementation.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Samantala, sinabi ng senador na kailangang simulan na ng DOLE ang paglalabas ng letter sa employer kung saan papagpaliwanagin sila, at sakaling mabigo na gawin ito ay bibigyan pa ng isang pagkakataon na magreply. //MHEL PACIA