Tsunami warning matapos ang magnitude 6.7 na lindol sa Samoa, binawi na

Inalis na ang tsunami warning sa Samoa matapos ang magnitude 6.7 na lindol na tumama sa pagitan ng American Samoa at Tonga.

Ayon sa report, naitala ang lindol sa 269.2 km south-southwest ng Tafuna sa American Samoa at may lalim na 36 km base sa pagtaya ng United States Geological Survey.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Inihayag ng Pacific Tsunami Warning Center na base sa mga nakalap na datos, walang banta ng tsunami na resulta ng pagyanig.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Wala ding naitalang immediate damage ang lindol o mga nasaktan kaugnay nito.

Matatandaan na noong Enero ay tumama ang isang tsunami na kumitil sa buhay ng tatlong tao at sumira sa mga villages at resort sa Tonga na bunga ng pagputok ng lindol sa Hunga Tonga-Hunga Ha’apai.