Parehong umangat ang trust at performance ratings nina Pangulong Bongbong Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte sa pagtatapos ng 2023, batay sa isang independent survey na isinagawa ng OCTA Research.
Sa resulta ng Fourth Quarter 2023 “Tugon ng Masa” survey, nakakuha sina Pangulong Marcos at Bise Presidente Duterte ng 76% at 77% trust ratings.
Mas mataas ito sa 73% at 75% na nakuha ng Pangulo at Bise Presidente noong 3rd Quarter ng 2023.
Umangat rin sa 71% at 75% ang performance rating nina Marcos at Duterte kumpara sa Tugon ng Masa Quarter3 survey.
Matatandaan na isinagawa ang survey December 10 hanggang 14 sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,200 adult respondent sa buong bansa.
#