Tropical Cyclone Wind Signals 1-4, nakataas sa maraming lugar

Itinaas ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 4 sa maraming lugar base sa 2 p.m. weather bulletin nito.

Kasama na sa mga lugar na nasa ilalim ng TCWS No. 4 ay ang Southern Leyte, southwestern portion ng Leyte, Bohol, central at southern portions ng Cebu, Dinagat Islands, Surigao del Norte kabilang na ang Siargao at Bucas Grande Islands.

Nasa ilalim naman ng TCWS No. 3 ang naititrang bahagi ng southern portion ng Leyte, northern portion at extreme southern portion ng Cebu, Negros Oriental, Siquijor, at southern at central portions ng Negros Occidental.

Signal Number 3 rin sa Guimaras, southern portion ng Iloilo, southern portion ng Antique, northern portion ng Agusan del Norte, at northern portion ng Surigao del Sur.

Read More:  Visayas grid to be placed under yellow alert

Nakataas naman ang Signal Number 2 sa Albay, Sorsogon, Masbate kabilang na ang Ticao at Burias Islands, Romblon, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, manland Palawan kabilang na ang Kalayaan, Balabac, Cuyo, Calamian, Cagayancillo Islands, Northern Samar, Eastern Samar, at Samar.

Signal number 2 rin sa Biliran, nalalabing bahagi ng Leyte, nalalabing bahagi ng Cebu, nalalabing bahagi ng Negros Occidental, nalalabing bahagi ng Iloilo, Capiz, Aklan, nalalabing bahagi ng Antique, nalalabing bahagi ng Surigao del Sur, Agusan del Sur, at nalalabing bahagi ng Agusan del Norte.

Nasa ilalim rin ng singnal number 2 ang extreme northern portion ng Zamboanga del Norte, extreme northern portion ng Zamboanga del Sur, Misamis Occidental, northern portion ng Lanao del Norte, northern portion ng Bukidnon at northern portion ng Lanao del Sur.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Signal Number 1 naman sa Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, nalalabing bahagi ng Albay, Marinduque, southern portion ng Quezon, Batangas, northern portion ng Davao Oriental, northern portion ng Davao de Oro, northern portion ng Davao del Norte, at nalalabing bahagi ng Bukidnon.

Apektado rin ng signal number 1 ang nalalabing bahagi ng Lanao del Norte, nalalabing bahagi ng Lanao del Sur, nalalabing bahagi ng northern portion ng Zamboanga del Norte, nalalabing bahagi ng northern portion ng Zamboanga del Sur. at northern portion ng Zamboanga Sibugay.

Inihayag naman ng PAGASA na posibleng bahagyang humina ang Odette oras na dumaan ito sa northeastern Mindanao, Visayas at Palawan, ngunit mananatili pa rin ito bilang typhoon.