Tricycle driver, sugatan sa pamamaril ng driver ng nakasalpukang motorsiklo sa Candelaria, Quezon

Sugatan ang isang tricycle driver sa pamamaril ng hindi nakilalang driver ng nakasalpukan nitong motorsiklo sa Maharlika Highway, Candelaria, Quezon, nitong Lunes, Pebrero 27.

Kinilala ang biktima na si Mark Anthony Idanan, 37-anyos, residente ng Purok 4, Brgy. Mangilag Sur, Candelaria, Quezon.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Ayon sa report, bandang 4:00 ng hapon, nagmamaneho ang biktima patungong timog nang biglang kinabig ng isang motorsiklo ang linya na nagresulta sa salpukan.

Makalipas lamang ang ilang sandali, naglabas ng short firearm ang suspek saka binaril ang biktima na tumama sa kaniyang kamay at kanang balikat.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Agad namang isinugod sa United Candelaria Doctors Hospital ang biktima upang malapatan ng lunas. Samantala, kasalukuyang isinasagawa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nangyaring insidente at tinutugis ang suspect matapos makuha ang inabandonang motorsiklo sa Lorema Subdivision sa nasabing bayan.