Tree planting activity, isinagawa sa Mt. Province bilang bahagi ng selebrasyon ng Philippine Arbor Day

Lumahok sa isinagawang tree planting activity kahapon ang mga kapulisan ng Natonin Municipal Police Station (MPS) sa Sitio Gongob, Brgy Banawel, Natonin, Mountain Province bilang bahagi ng selebrasyon ng Philippine Arbor Day.

Pinangunahan ito ng Kagawaran ng Kapaligiran at Mga Likas na Kayamanan o DENR-CAR kung saan nilahukan ito ng 98 participants na naglakad ng mahigit isang oras upang marating ang planting site partikular sa Fenge Farmers Inc. sa naturang sitio.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Nilahukan ito ng ibat ibang ahensiya ng gobyerno na kinabibilangan ng Natonin MPS, 1st and 2nd Mountain Province Provincial Mobile Force Companies, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, Community Environment and Natural Resources Office (CENRO)-Paracelis, Local Government Unit of Natonin, Department of Education, Department of Health, Department of Public Works and Highways, at Philippine Statistics Authority.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Naging matagumpay ang pagtatanim sa 451 na cacao seedlings at 300 na betelnut na layuning mapalitan ang mga nasirang puno sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Rosita.