KORONADAL CITY – KINILALA ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth 12 ang Top 20 Employers na nangunguna sa pagpapatupad ng Universal Health Care Program sa kanilang mga empleyado sa Soccsksargen.
Kabilang sa mga ito ang Yellow Bus Lines Inc, Notre Dame of Marbel University at marami pang iba. Inihayag ni Atty. Zainaldin Limpao, head ng collection division ng Philhealth 12 na ang mga ito ang nanguna sa pagpapatupad ng tama at timely na pagbabayad ng premium contribution ng kanilang empleyado at higit sa lahat gumawa ng inisyatibo na marehistro ang kanilang mga empleyado sa Philhealth Konsulta program.
Ang Konsulta ay ang expanded primary care program na nagbibigay sa mga Philhealth members at sa kanilang mga dependents ng comprehensive outpatient health services na kinabibilangan ng initial at follow-up primary care consultations, health screening at assessment, diagnostic services at mga gamot.
Sa pamamagitan nito, mahihikayat ang mga mamamayan na magpakonsulta upang hindi na lumala pa ang kanilang karamdaman. Kaugnay niyo, hinihikayat ni Limpao ang lahat na magparehistro sa mga Konsulta accredited providers sa kanilang lugar upang maka-avail ng libreng check-up, laboratory at mga gamot.
