Toolkits para sa 38 scholars sa ilalim ng STEP program ng TESDA, ipinamahagi

CAMARINES NORTE- Namahagi ng toolkits ang First District Representative ng lalawigan ng Camarines Norte sa 38 scholar’s ng CNIS sa ilalim ng STEP program ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA

Ito ay matapos ang pagsasanay ng nasabing scholars sa kursong Bread and Pastry Production NCII

Read More:  244 foreigners arrested in Zamboanga Sibugay POGO raids

Natanggap na ng 38 Scholars ang kani-kanilang toolkits buhat sa Camarines Norte International School sakop ng bayan ng Labo na kung saan isinagawa ang naturang programa, umaga ng ika-5 ng Hunyo 2023.

Kabilang sa mga kagamitang ipinamahagi sa mga nagsipagtapos ay ang bagong microwave at mga kagamitang pang-baking.

Read More:  Three workers found dead inside Dusit Thani Residence Davao

Layunin ng nasabing programa na matulungan ang benepisyaryo na magkaroon ng hanapbuhay dagdag pa na maihanda ang mga scholars sa pagtatrabaho sa loob o labas ng bansa na makakatulong ng malaki sa kanilang mga pamilya.