Tony Bishop, nagpakitang gilas sa kaniyang debut game

Ipinamalas kaagad ng Meralco Bolts ang lakas nito sa pagbubukas ng kanilang kampanya sa PBA Governors’ Cup matapos nitong gibain ang Blackwater Bossing sa score na 98-87.

Nagpakitang gilas kaagad ang bagong import na si Tony Bishop nang manguna ito sa Bolts sa kaniyang 28 points, 13 rebounds, three blocks, at two steals.

Read More:  Carlos, Karl Eldrew Yulo to lead PH Gymnastics Team in 2026 Asian Games

Hindi naman nagpahuli ang guard na si Nard Pinto na nagrehistro ng 18 points at seven assists off the bench.

Read More:  June Mar Fajardo eyes Gilas Farewell, makes way for next generation

Samantala, magsisilbi naman ang laro bilang ika-22 sa sunod-sunod na talo ng Bossing, na nagsimula noong pang 2020 PBA Philippine Cup.