Tinderong may kasong acts of lasciviousness, timbog

Kulong ang isang tindero na tinaguriang top most wanted person sa station level sa Santiago City matapos maaresto ng mga awtoridad noong ikatlo ng Abril sa Purok 1, Barangay Sagana, Santiago City.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team, kinilala ang suspek na si alyas “Daboy”, 55-anyos, at residente ng nabanggit na lugar.

Kasong act of lasciviousness ang kinakaharap ng suspek kung saan may inirekomendang piyansa ang korte na nagkakahalaga ng P180,000 para sa kaniyang pansamantalang paglaya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *