SORSOGON CITY – Arestado ang 36-anyos na tindero ng isda sa isang buy-bust operation na ikinasa sa Martket site, Brgy Sirangan, East District lungsod ng Sorsogon.
Isang sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P500 ang nabili ng pulis na nagpanggap na buyer sa suspek na si Levy Jaranilla Jamisola alias ‘Wiwi’ naninirahan sa nasabing barangay.
Nang kapkapan ito, nakuha pa ang isang sachet na may laman din na droga.
Ayon sa source ng Brigada News, hindi lang umano isda ang tinitinda ng suspek kundi pati na rin iligal na droga.
Ayon pa sa source, si Jamisola ay kasamahan ni Regil Agripa Detera, parking boy, residente ng kaparehong barangay, at naaresto din noong nakaraang buwan sa kaparehong operasyon.
Hinihintay na lang ng City Drug Enforcement Unit ang resulta ng eksaminasyon sa nakumpiskang droga mula sa crime laboratory bago sampahan ng kaukulang kaso ang suspek.
