Tinatayang 18 milyong halaga ng fossilized giant clam shells o taklobo, nahukay sa Dumaran

Aabot sa siyam ( 9 ) na tonelada ng fossilized giant clam shells o taklobo ang nahukay sa baybayin ng Sitio Malague, Brgy. Sta. Teresita, Dumaran, Palawan.

Iniulat ng Coastguard Sub-Station Dumaran na nitong Linggo, ika- 6 ng Nobyembre ay nahukay ang mga ito.

Read More:  Father dead, teen daughter hurt in Talisay computer shop shooting

Kasama ng mga tauhan ng Coast Guard Sub-Station Dumaran Palawan ang Dumaran Bantay Bayan sa paghukay nito.

Tinataya umanong aabot sa 18 Million Pesos ang halaga nito, ayon sa Coastguard.

Read More:  Debaguio, 4 others arrested; linked to northern Negros clashes

Samantala, ang pangongolekta ng endangered/threatened species tulad nito ay ipinagbabawal sa ilalim ng Republic Act 9147 o “Wildlife Resources Conservation and Protection Act.”.