‘Tinapahan’ suportado ng BFAR-Sorsogon

SORSOGON CITY – Tiniyak ng BFAR-Sorsogon ang suporta sa pagsisimula ng programang mga smoke houses o tinapahan sa ilang bayan sa lalawigan

Hihigpitan umano nila ang kanilang monitoring sa pagsisimula ng konstruksyon ng mga smoke houses sa iba’t ibang bayan na napagkalooban nila ng proyekto.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Ayon kay Arnold Claveron, ang head ng ahensya, naibaba na mula sa Regional Office ang  pondo sa nasabing programa, kung kaya’t maagang naumpisahan ang pagtatayo ng mga tinapahan kung saan nauna rito ang bayan ng Castilla partikular na sa Barangay Poblacion.

Ayon pa sa opisyal, ang naturang barangay ay malaki ang potensyal sa pagkakaroon ng tinapahan dahil sa magandang lokasyon nito na malapit sa coastal area.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Tanging hiling ng opisyal sa mga barangay na naging benepisyaryo ng proyekto na huwag maging ‘ningas cogon’ at seryosohin ang pagmamantina ng naturang livelihood program.

PHOTO: Kap Sotto Poblacion fb page