Tinambac , may bago nang evacuation center

CAMARINES SUR- Pormal nang isinagawa ang turn over ceremony ng bagong evacuation center sa bayan ng Tinambac, Camarines Sur kung saan malaki ang maitutulong nito lalo na’t may mga binabahang lugar sa bayan tuwing may malalakas na ulan.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Romil Estolano, RN at Local Disaster Risk Reduction and Management Officer III ng Tinambac, sinabi nitong mas magiging komportable ang mga evacuees sa bagong pasilidad dahil aabot sa 25 hanggang 30 pamilya ang maaaring makapasok dito. May tatlong palikuran na nakalaan para sa babae, lalaki at Persons With Disability.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Kahit na nga may mga paaralan na nagiging evacuation centers tuwing may sakuna, mas maigi pa rin na mayroong maayos na evacuation center sa lugar.