Nananatiling umaasa ang newly-appointed Gilas Pilipinas head coach na si Tim Cone na makukuha ng naturalized player na si Justin Brownlee ang kanyang clearance mula sa FIBA para sa 2025 Asia Cup qualifiers sa susunod na buwan.
Isa kasi si Brownlee sa 12-man roster ni Cone kasama ang ilang PBA players at Japan B. League imports.
Ngunit nakasalalay ang kapalaran ng import ng Ginebra resident habang nakabinbin ang kanyang clearance mula sa international basketball body kaugnay ng kanyang mga anti-doping violations noong nakaraang taon.
Saad ni Cone, umaasa siyang ma-clear na si Brownlee bago lumipad ang Gilas pa-Hong Kong sa February 22.
