Nais paamiyendahan ng ilang mambabatas ang tatlong taong fixed term para sa ilang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines.
Matatandaaang nito lamang Abril nang lagdaan ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11709 na layong bigyan ng three-year fixed term ang AFP Chief-of-Staff, at pitong iba pang opisyal kabilang na ang mga commanders ng tatlong sangay ng Kasundaluhan, para maalis na ang tinatwag na ‘revolving door’ policy.
Naghain sina House Speaker Martin Romualdez at co-authors na sina Representatives Raul Tupas, Mercedes Alvarez, Divina Grace Yu at Jorge Bustoang ang House Bill No. 6482.
Sa ilalim ng panukala, aamiyendahan ang RA 11709 ng nagdaang Kongreso at bibigyan din ng kapangyarihan ang chief executive na i-terminate nang mas maaga ang designation ng isang opisyal.
Ipinunto rito na mayroong ilang mga ‘concerns’ na ibinigay ang mga military personnel na layong baguhin ang ilang probisyon ng batas para tumugma sa kanilang pangangailangan.
Armed Forces of the Philippines, ‘no comment’
Naninindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na ipauubaya na nila sa Kongreso ang magiging desisyon hinggil sa termino ng kanilang mga opisyal.
Ito ang naging reaksyon ni AFP spokesperson Col. Medel Aguilar hinggil sa ipinapanukalang pagaamiyenda sa three-year fixed term para sa mga military officials.
Aniya, masiyado pang ‘premature’ para magbigay ng reaksyon para rito.
Naniniwala rin si Aguilar na hindi naman ‘masiyadong mahaba’ ang nilalaman ng bagong batas na tatlong taong termino.
#