Temporary suspension ng pagbiyahe ng mga maliliit na bangka sa karagatang sakop ng Camarines Norte lifted na

CAMARINES NORTE- Inalis na ng Philippine Coast Guard ang kautusang pansamantalang nagsususpinde sa pagbiyahe ng mga maliliit na bangka sa karagatang sakop ng Camarines Norte.

Batay ito sa inilabas na Notice to Mariners kaninang umaga ni LTJG Ronnie Rey Pabico, Acting Commander ng Camarines Norte Coast Guard Station.

Read More:  1 dead after Cebu hot pursuit turns into gunfight; Police officer hit

Kahapon ng hapon ay pansamantalang sinuspinde ng PCG ang biyahe ng mga bangkang 250 gross tons pababa dahil sa Low Pressure Area na namataan malapit sa  East Northeast ng Legazpi City at East ng Daet.

Ang pinagbasehan umano ng PCG sa lifting ng temporary suspension of voyage ay ang advisory ng Pagasa kaninang madaling araw .

Read More:  3 Cebu traffic enforcers fired over alleged extortion

Sa ngayon ay kalmado ang sitwasyon ng karagatan pero makulimlim ang panahon na may mahinang pag ulan simula pa kaninang umaga.

At kahit lifted na ang temporary suspension sa paglalayag ng mga maliliit na bangka sa lalawigan ay pinag iingat pa rin ang mga mangingisda.