KORONADAL CITY- PALAKASIN ang case detection laban sa tuberculosis o TB.
Ito ang naging direktiba ni Department of Health o DOH Secretary Teodoro Herbosa sa mga medical professionals sa South Cotabato at Soccsksargen region sa kanyang pagbisita sa lalawigan kamakailan lamang para sa launching ng Universal Health Care Program.
Napag-alaman na isa sa mga binista ni Herbosa ang TB DOTS facility sa Koronadal City na bahagi ng marching order ni Presidente Ferdinand “BongBong” Marcos Jr na tutukan ang tumataas na kaso ng TB.
Kaugnay nito, inirerekomenda ng kalihim ang paggamit ng telemedicine sa mga TB cases upang hindi na kailangan pang umalis ng mga pasyente sa kanilang bahay para pumunta sa mga TB DOTS.
Hinihikayat din nito ang mga health workers na makipag-ugnayan sa mga local authorities sa pagfollow-up sa mga pasyente na na-missed ang kanilang appointments o hindi nakatapos ng kanilang medikasyon dahil ito ay posibleng magresulta sa multi-drug resistance.
