Tattoo artist, tiklo sa bentahan ng baril

Tiklo ang isang 27-anyos na tattoo artist dahil sa pagbebenta ng baril sa Purok 4, Brgy Zone 8 sa bayan ng Bulan, Sorsogon.

Base sa ulat na nakalap ng Brigad News, ang suspek ay kinilalang si Aljon Mella Sambajon, residente ng Purok 2, Brgy San Vicente ng nasabing bayan.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Dakong alas 8:31 ng gabi noong Lunes, Hulyo 24 nang makipag-ugnayan ang mga tauhan ng CIDG Sorsogon Prov’l Field Unit sa Bulan MPS at 2PMFC para magsagawa ng buy-bust operation.

 Nakuha mula sa suspek ang isang yunit ng 9mm pistol na may TM na Noringco at serial number, dalawang steel magazine ng nasabing baril, 15 bala at ang buy-bust money kung saan ang P1K ditto ay genuine at ang P16K ay boodle money.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng CIDG Sorsogon PFU ang suspek para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.