TATLONG PULIS NA SANGKOT SA PAGKAMATAY NG ANAK NI SARIAYA MAYOR MARCELO GAYETA AT KAIBIGAN NITO, HINATULANG GUILTY SA KASONG DOUBLE MURDER

Hinatulan ng guilty ang tatlong pulis na sangkot sa pagpatay sa anak ni Sariaya, Quezon Mayor Marcelo Gayeta at kaibigan nito sa Regional Trial Court, Lucena City ngayong araw, Enero 12.

Kasong double murder ang kinaharap ninang dating hepe ng Tayabas City Police Station PCol Mark Joseph Laygo, PCpl Lonald Sumalpong at Pat Robert Legaspi kung saan nasintensyahan ang mga ito ng habambuhay na pagkakakulong.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Sa impormasyong nakalap ng Brigada News FM, hindi dumalo ng personal ang tatlong pulis at nag-online na lamang dahil masyadong risky umano ang kalagayan ng panig ng mga akusado.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Matatandaan na buwan ng Marso, taong 2019 nang masangkot ang mga ito sa umano’y rubout incident na nagresulta sa pagkamatay ni Christian Gayeta at Christopher Manalo.