Tatlong PDL na senior citizen napagkalooban ng kani-kanilang ID at booklet

SORSOGON CITY – Maaari na ngayong maka-avail ng 20% ​​discount sa basic necessities at prime health commodities ang tatlong mga Senior Citizen na PDL’s ng Sorsogon City District Jail.

Ito’y matapos na mapagkalooban na ang mga ito ng kani-kanilang Senior Citizen’s ID at booklets.

Sa pahayag ni JO3 Rolly Buatis, sinabi nito na bagama’t sa kasalukuyan ay mayroon silang limampo’t isang (51) mga PDL’s na Senior Citizen, 3 pa lamang sa mga ito ang naka-avail sa kadahilanang inuna muna ang mga PDL’s na residente ng lungsod habang ang iba naman ay for approval pa ng City Administrator.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ayon pa dito, lahat naman ng mga hindi maaaprubahan ay personal na lamang na sasadyain ng kanilang Help Desk Officer sa kani-kanilang mga bayan upang matiyak na lahat ng mga senior citizen sa City District Jail  ay makaka-avail ng nasabing pribilehiyo.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Una rito, ang aktibidad ay inisyatiba ni District Jail Warden J/CInsp Rodolfo Versozsa Jr. at ng Sorsogon City District Jail personnel sa pakikipagtulungan ng Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA), Sorsogon City sa pamumuno ni Mhely Pura.