NAAKTUHAN ng mga nagpapatrolyang Barangay Tanod ang tatlong lalaki na ninanakawan ang isang sari-sari store sa Brgy Market Site, Donsol, Sorsogon.
Ayon sa ulat ng Donsol Police, naaktuhan ang tatlo na sinisira ang pinto ng isang sari-sari store na pag-aari ng isang Rose Ann Daco Acabado, 18-anyos, dalaga at naninirahan sa nasabing lugar.
Nang makita ang presensya ng mga Tanod ay biglang nagsipulasan ng takbo ang mga suspek subalit hinabol sila ng mga Tanod hanggang sa ‘makwelyuhan’ ang mga ito.
Kinilala ang mga suspek na sina Mark Joseph Bongalonta Quinones Jr., 19-anyos, binata; Jomar Luna Aquino, 22-anyos, binata, construction worker at Ariel Magbanua Lomerio, 28-anyos, may kinakasama, laborer lahat naninirahan sa nasabing barangay.
Nakulimbat ng mga ito ang P2K kash at iba pang paninda mula sa sari-sari store.
Mahaharap ang tatlo sa kaukulang kaso.
