Target economic growth ng bansa, maaaring malampasan pa

Posibleng umanong malampasan ng bansa ang traget economic growth ngayong taon, base sa naging performance nito.

Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, napagpatuloy ng Pilipinas makapagtala ng paglago ng ekonomiya sa loob ng anim na sunod-sunod na quarters.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Kasabay nito ay ang year-to-date average na 7.5%, na nilampasan ang target ng gobyernong 6.5%.

Dagdag ni Balisacan, ilan sa mga makatutulong upang mas mapaunlad pa ang ekonomiya ng bansa ay ang pagkakaroon ng investments, construction activities, utilities, at mining.

Read More:  Palace says VP Sara’s alleged threat involves national security

Aniya, hinahangad nilang magpapatuloy pa ang magandang perfomance ng ekonomiya nga bansa sa near term sa susunod na taon.

Sinabi rin niya na para sa susunod na medium term, kinakailangan nang mag-expand at mag-diversify ng mga mapagkukunan o sources para sa hangaring paglago ng ekonomiya.