Taliban ipinag-utos ang pagtatakip ng mukha sa mga babaeng TV presenter sa Afghanistan

Mahigpit na ipinag-utos ng Taliban sa mga babaeng Afghan TV presenter at iba pang babaeng lumalabas sa tv na takpan ang kanilang mukha.

Natanggap ng mga media outlets ang decree mula sa Taliban noong Miyerkules.

Ayon sa report, hinigpitan ang mga restrictions sa mga babae sa Afghanistan kabilang ang pagbabawal sa kanila sa pagbiyahe nang walang lalaking guardian.

Maliban dito, isinarado sa mga babaeng estudyante ang mga secondary schools.

Nakasaad din sa lumabas na decree na mahaharap sa parusa ang mga babaeng hindi susunod sa bagong restriciton ng Taliban