Taguig City Police, walang nakikitang foul play sa pagkamatay ng 2 estudyante

Walang nakikitang foul play sa pagkamatay ng dalawang estudyante sa loob ng Signal Village National High School ang Taguig City Police Station; batay sa paunang ebidensiya na nakuha nito.

Ayon kay Police Colonel Robert Baesa, hepe ng Taguig City Police, sa kabila nito ay ipagpapatuloy pa rin ng pulisya ang pagsasagawa ng panayam sa mga saksi, kaanak at maging sa kaklase ng dalawang mag-aaral.

Read More:  Baby boy found abandoned outside home in Cordova, Cebu

Nanawagan ang pulis-Taguig sa publiko na iwasang gumawa ng haka-haka hinggil sa pagkamatay ng dalawang estudyante para hindi lumala ang sitwasyon sa mga nagluluksang pamilya.

Read More:  Man arrested in Maguindanao del Sur over alleged murder of LGBTQ individual in Davao City

Nabatid na nakikipag-ugnayan na rin ang Department of Educaton (DepEd) sa Philippine National Police (PNP) para masusing imbestigahan ang pagkamatay ng dalawa.