LEGAZPI CITY – Namahagi ng fortified food products ang Tabaco City Nutrition Committee sa 714 na buntis sa lungsod.
Itoy naisagawa sa pamamagitan ng Food Fortification Program ng nasabing ahensya kung saan inuunang mabigyan nito ang mga nasa 1st at 2nd trimester ng pagbubuntis.
Ang fortified food products ay naglalaman ng tatlong packs ng cooking oil na matibay sa Vitamin A na mahalaga sa vision development at immune function ng sanggol.
Kasabay rin dito ang iodized coarse salt na mayaman sa iodine na kailangan para sa tamang brain development ng baby.
Layunin ng programa na itaguyod ang paggamit at pagkonsumo ng mga fortified food products na may dagdag na essential nutrients na nakakatulong sa pagbubuntis.
Dagdag pa rito hinihikayat ng nasabing programa na parating tingnan ang nutrition label ng mga food items na bibilhim at gumamit ng mga produktong may Sangkap Pinoy Seal.